Dalawampu't limang taong singkad ang nakalipas, may nabago ba sa klaseng ito ng Malaya School?  Ang Malaya, Pililla, Rizal ay isang maliit na barangay ng Pililla, Rizal.  Ito ang pinakahuling barangay na iyong mararating kung ikaw ay magmumula sa Maynila.  Ito ang tahanan ng magigiting na magkakaeskwela.  Makalipas ang limang taon mula ng mag-uganayang muli ang klase, sila ay  nagkita-kitang muli ng dahil kay Ondoy.  Isang pagsasama-samang walang plano subalit naganap sa masidhing pagnanasang makatulong sa nasalanta ng bagyong Undoy sa Pililla.  Ang bayan ng Pililla ay malayo sa sentrong pinsala ng bagyong Ondoy, iyon ang maling pag-aakala ng karamihan.  Ito ay sa kadahilanang sa kasagsaan ng bagyong Undoy ang pagsalantang rto ay hindi naririnig sa radyo o nakikita at nababasa telebisyon o dyaryo.  Ang mga baha at pagguho ng lupa na naghiway sa Pililla sa kamaynilaan ang isang dahilan kung bakit hindi nakakarating ang mga tulong dito mula sa naglalakihang organisasyong tumatanggap ng donasyon.

Ang kagya't na panawagan ng tulong sa mga taga Barangay  sa pamamagitan ng yahoo group ng barangay Malaya ay mabilis na isinagawa kasabay ang paghingi ng tulong mula sa mga grupong tumatanggap ng mga donasyon.  Nagdatingan ang ayuda at isinaayos ang pagbabalot at pamamahagi ng  mga ito.  Dagdag dito ay tulong mula sa Assumption Antipolo, Foliage, Cottonwoods and Cascades Homeowners Association, KIDS Foundation, mga kaibigan, kasamahan, kamag-anak, at kaibigan ng mga kaibigan.  Ipinamahagi ito sa lahat ng nasasakupan ng Pililla, Rizal.  Naunang mamahagi sa Barangay ng Hulo, Malaya, Niogan, Quisao, Wawa at Takungan.  Ang barangay Wawa ay may tatlong lugar na inisa-isang bigyan ng grupo upang tiyak na makarating ang maliit na tulong sa mga nangangailangan.  Namahagi rin sa bayan ng Tanay na nadaanan ang kalunos lunos na sinapit ng mga nakatira sa mga gilid ng agos.

Relief Operation - last batch for Pililla, Rizal

The last batch of Relief goods for Pililla were delivered by the Malaya School Batch 8084 in the three areas of  Wawa and Pulo.  Barangay Wawa is under water.  We delivered direct to the beneficiaries.  The locals offered their bancas for free so we can go direct to families who have not left their houses.  We went to the market where evacuees stay followed by the distribution in the  tent place uphill.  It was already dinner time when we reached the last barangay called Pulo.  They build their shanties uphill because their houses are no longer livable.  The two boxes of medicines for fever and cough from KIDS foundation is of great help. Each box contains 144 bottles.  We prioritize children 1 year old and under to benefit from the supplied medicine.  Those who are older but really need it, we gave too.  We requested the parents to ask only if their children are sick and share it with others who needed it but was not able to receive due to limited supply.

The remaining pledges once received will be given to victims of Pepeng in Dagupan, Pangasinan.  They have been asking assistance and we are now accepting donations for them. 

The Malaya School Batch 80 and Batch 84 joint effort to help the best way they can was unanimous in action to deliver.  Taking time out from their usual activities to collect, pack and deliver is a great example that you need not be a big group or a known NGO to make the difference.

Sa isang sigaw ng paghingi ng tulong, kaagyat na tumugon ang mga taga Malaya, mga kaibigan at hindi mga kakilala.  Isang desisyong pinalakas at binagtibay ng sama-samang pagkilos.  Sa tahanan nina Marilyn Iglesias Domingo at Louie Domingo ginawa ang pag-iimpake ng mga pagkain.  Katulong sa pangongolekta ng donasyon sina Dolores Buenaventura, Analie Materiano, Shirley Umali, Rosalie Villas, Reggie Materiano at Oliveros Guinto.  Kasama sa pamamahagi ang mga kalalakihan na pinangunahan ni Luisito Domingo habang ang nagsilbing giya kung saan ito ipamamahagi ay si Antonio Aragon.

Ang perang ginamit sa pamamahaging ito ng tulong ay naipon ni Fernando Lacampuenga na kasalukayang nag hahanapbuhay sa Qatar.  Sa pamamagitan ng panawagan sa kanyang mga kasamahan sa hanapbuhay at mga kaibigan, sya ay nakalikom ng salapi at ipinadala sa grupo.  Nagbigay rin ang mga kaeskwela na sina Alejandro Castillo at Enrique Diego gayundin ang Foliage Hills-Cottonwoods and Cascades Home Owners Association in Antipolo Rizal.  Maraming salamat kina Engr. Julius Cruz at G. Cesar Mapua sa salapi, groceries at pera na ipingkaloob.  Humigit kumulang sa 600 katao ang nakinabang sa operasyong ito.

Saludo ang inyong lingkod sa walang pag-aatubiling tugon sa sigaw ng saklolo ng bayan ng Pililla!  Mabuhay!

Maraming Salamat sa inyong pagtitiwala.

Valcaredo distribution

Tent Place

analiza Aguirre De Leon
1/13/2010 04:26:07

hello jean,analie ur friend,good to know that i surf in the net the good works of my classmates,helping the victims of ondoy.sali nman ako pano ako magregister sa inyo.Continue your good works and sana marami pa kyong matulungan.

Reply
jean
1/13/2010 06:45:27

glad you find the way to connect. am cooking up for a social entrepreneurship project that our class will manage in Pililla. My partner consultant Ferdie choose Pililla instead of Jala-Jala. A project with BFAR and of course I am happy. I will discuss with our class once we are done with other initiatives. Most likely next month we can do it na.

send me email soupoftheday44@yahoo.com and add me to your facebook account. I keep my account updated for every initiative development..

hope to see you soon. miss na rin kita! i also need to talk to Vio so we can run the project under him kung tatakbo pa sya. We can help the people with our little effort.

Muah!

Reply
Jean
3/22/2010 03:01:26

Liz, we have created yahoo group for our batch. Please email me so we can include you. You may also go to Lyn for our reunion. Our classmates abroad are now excited since we have established connection again! And anong kayo? tayo!!! It's our class joint effort, di ka lang nakasama that time but soon we will do livelihood support project and that includes you! See you soon!

Reply
8/17/2010 03:44:18

He is truly happy who makes others happy.

Reply
12/30/2011 17:27:32

nice post

Reply
1/25/2012 18:37:58

THX for info

Reply
1/27/2012 19:34:55

nice post

Reply
3/28/2012 17:45:21

Nice one info, thx

Reply
3/31/2012 22:21:27

Great info, thx

Reply
6/1/2012 10:11:37

good post

Reply



Leave a Reply.